Arnel Pineda opens own bar in QC

Posted at 12/13/2010 1:21 PM | Updated as of 12/13/2010 1:24 PM

MANILA, Philippines – Isa pang pangarap ang natupad sa mala-rags-to-riches story ng Filipino singing sensation na si Arnel Pineda sa pagbubukas ng sarili niyang club sa Quezon City.

Maagang Christmas gift ang turing nina Pineda at kanyang mga kasama sa Rockville sa Timog circle na magiging bagong sentro daw ng mga rakista.

Mga pakpak ang tatak ng lugar na simbolo din ng paglipad ni Pineda sa musika mula nang madiskubre siya ng “Journey” sa YouTube.

Magbubukas din sina Pineda ng iba pang sangay ng Rockville sa Singapore at iba bang bansa.

Sentro ng atensyon sa lugar ang mga larawan, gitara at iba pang naka-display na personal memorabilia ng singer, na parang kailan lang ay natutulog sa Luneta dahil sa kawalan ng oportunidad sa buhay.

Magsho-show si Pineda sa Rockville hanggang simulan muli ng “Journey” ang kanilang international concert tour sa first quarter ng 2011.