Zaijan, Xyriel magsasanib-puwersa para sa bagong serye


Bibo, puno ng karisma at hindi pahuhuli sa pag-arte.

Sa natatanging pagkakataon, magsasama-sama ang child wonders ng bagong henerasyon: sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia at Louis Abuel.

Ito’y para sa upcoming teleserye sa ABS-CBN na "Diyos ay Pag-ibig" tungkol sa Pasko at pagmamahalan.

“Tungkol po ito sa Pasko, sa pagmamahalan at sa pagbibigayan at sa pagmamahalan po naming apat. Para po kaming magkakapatid," sabi ni Zaijan.

"Excited po ako kasi po marami na naman po akong makakasamang artista,” sabi naman ni Xyriel.

Sa murang edad, makikitang mulat na ang child stars sa hamon sa buhay.

Ito rin ang pinaghuhugutan nila ng inspirasyon sa mahusay nilang pagganap.

Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Alfred Vargas at Dimples Romana.

Kaabang-abang naman ang mga pagbabago sa ABS-CBN News Channel.

Ni-relaunch ang mga programa ng ANC kabilang ang Mornings@ANC tampok si Pinky Webb.

“Pumunta ako sa States. I was with my parents in the States. Pagbalik ko [I will do] ‘Mornings@ANC’ tapos I’m going to be a reporter for Channel 2. Of course I’m doing ‘XXX.’ I think I’m also gonna be doing another show,” sabi ni Pinky.

Sa kanyang abalang schedule, may panahon pa nga ba sa lovelife si Pinky?

“Love? Sa ngayon wala,” sabi ni Pinky.

Ipinakilala rin ang anchors ng “Dateline Philippines” na sina TJ Manotoc at dating ABS-CBN Australia Bureau Chief Gigi Grande, “Primetime on ANC” kasama sina Tony Velasquez at ang nagbabalik na si Karmina Constantino.

“It’s good to be home again. Nice to walk the same old hallway, see all the familiar faces,” sabi ni Karmina.

Nagbabalik rin ang ABS-CBN original na"Pipol" ni Ces Drilon.

“Masaya ako kasi na-miss ko rin ang ‘Pipol’ at maraming fans ang ‘Pipol.’ Ang tagal nawala ng ‘Pipol,’ maraming mga personalidad na hindi na-feature,” sabi ni Ces.

Inamin naman ng host na gusto niyang maisalang sa Pipol ang idolong si Nora Aunor.

“Susubukan ko talaga kasi nabasa ko ang kanyang talambuhay sa isang magazine na talagang grabe,” sabi ni Ces.

Magsisimula na rin ang "Teditorial" segment ni Teddy Locsin Jr. sa "The World Tonight.”

Abangan ang pagbabago sa ABS-CBN News Channel sa Lunes.