Manny at Pie Calayan, sinentensiyahan ng 3 taong probation


Sentensyado ng tatlong taong probation ang mag-asawang Dr. Manny at Pie Calayan sa Amerika.

Nakapaloob sa kanilang probation ang obligasyong huwag lumabag ng ano mang batas sa loob ng tatlong taon.

Pinagre-report din sila sa isang probation officer at pinagmumulta ng $10,000.

Matatandan na noong Setyembre, sinampahan ng California ang mag-asawa ng apat na kaso ng practicing medicine without a license kasunod ng isang sting operation sa kanilang West Hollywood clinic.

Sa isang plea bargain agreement, umaming may sala ang mag-asawa sa paglabag ng business professions code.

Kapalit ng kanilang guilty plea, inurong ng estado ang ibang mga kaso.

Nang humarap sa media sa Glendale, California kahapon, inamin ni Dr. Manny Calayan na isa sa mga tauhan nila ang nahuling gumagawa ng medical procedure sa labas ng kanilang clinic nang walang pahintulot.

Sila daw ni Dr. Pie ay pawang non-invasive treatments gaya ng facial at aesthetics lamang ang isinasagawa sa kanilang West Hollywood clinic dahil hindi sila mga lisensyadong doktor sa Amerika.

“It's not true that we shut down, it's not true that we're practicing unlicensed here, its not true we're running an unlicensed office here, so huwag sila maniwala sa mga chismis-chismis na ‘yan,” sabi ni Dr. Manny.

"There's no jail time, it’s just a standard no contest plea. No civil liability,” sabi ng abugado ng mga Calayan na si David Hakimfar.

Sinusulong naman ng mga Calayan ang demanda laban sa dati nilang clinic manager na si Aida Arceo na pinagbibintangan nilang tumangay ng $2.5 million.

Hiniling ni Arceo sa korte na i-dismiss ang kaso.

“Sumobra ang tiwala ko kay Aida, I trusted her so much,” sabi ni Dr. Manny.

Tumangging humarap sa camera si Arceo pero sinabi niya sa ABS-CBN na hindi siya nag-dispalko ng pera ng mga Calayan at mapatutunayan niya ito. Nadia Trinidad, Patrol ng Pilipino

02/17/2012 11:19 PMBookmark and Share

11 comments

cleared

i hope this clears all your questions coz i believe in them


LEGAL ADVOSRY

Plea bargaining presupposes that a charge was made to which doc manny pleaded guilty. however, he was adjudged guilty of a much lesser offense. the court verdict meting probation and all documents relating to it, however, shall be wiped out from the record after the lapse of one year without an infraction. it is as if nothing happened. the miniscule fine doc manny paid indicates that he committed only a misdemeanor. Probation is not strictly punitive but reformatory. This case shows that doc manny's integrity is intact for standing up for his employee's mischief. He is as law-abiding as anyone. he was raised to be upright. doc manny will never intentionally break any rule.


Sino ang sinungaling?

Dr Calayan, ano ba ito, na naman? Eh sinabi ng kampo nyo na hindi raw naganap ang illegal na procedure sa loob ng clinic mo, eh bakit ka nag plead guilty eh nagpart time lang pala ang iyong nagmamagaling na pekeng doctor?
Hwag naman dagdagn mo pa ng isang malabong explainasyon. Ikaw rin....
In Probation ka na, sa lahat ng sulok ng US andun an ang info nyo kaya ingat lang at hwag mo nang gawin ang illegal ha?
Sa Pinas ganito ba lahat ang mga workers nyo? Hmmm ako ay nababahala na dito....


Sino ang sinungaling?

Dr Calayan, ano ba ito, na naman? Eh sinabi ng kampo nyo na hindi raw naganap ang illegal na procedure sa loob ng clinic mo, eh bakit ka nag plead guilty eh nagpart time lang pala ang iyong nagmamagaling na pekeng doctor?
Hwag naman dagdagn mo pa ng isang malabong explainasyon. Ikaw rin....
In Probation ka na, sa lahat ng sulok ng US andun an ang info nyo kaya ingat lang at hwag mo nang gawin ang illegal ha?
Sa Pinas ganito ba lahat ang mga workers nyo? Hmmm ako ay nababahala na dito....


ang hirap talaga na umamin ng

ang hirap talaga na umamin ng katotohanan.bakit ka mag kakaroon ng conviction kung wala ka talagang ginagawang kalokohan


misdemeanor worst possible conviction for calayans

yun misdemeanor conviction and epekto hindi na maaaring makakuha ng board exam sa medicine mga calayan sa US. hindi na rin magkakagreen card at kung meron na, hindi na rin magkakaroon ng citizenship. baka ipadeport pa ng US immigration. tapos pwede rin tanggalan ng lisensya dito sa Pinas for unprofessional conduct unbecoming of a doctor of medicine, kahit nangyari illegal practice of medicine sa ibang bansa.

kahit maliitin ng mga calayan conviction nila, grabe talga ang epekto noon sa kanila.


lisendure

The California Board of Medical Examiners has the say who are registered to practice in California after passing both written and oral exams.There could be a Specialty Exam to qualify to practice cosmetic surgery.Any doctor who can inquire from the Board of the State of Ca. should know the requirements.

Perlita

They found guilty and

They found guilty and sentence in probation, then the doctor said the tsismis is not true. is he an idiots? you just found guilty. so your trying to tell us filipino people the verdect of found guilty and sentence in probetion means its not true all the accusation? is he in crack? or he think filipino people are all idiots. the lawyers said they won't put him in jail yes thats true its because thats so called white collar offense in other words they did not killed somebody so they get a fines and in 3 yrs everymove they make is to be recorded and reported.


HUWAG.....nakakahiya

Huwag dalhin ang UGALING PILIPINO dito sa amerika lalo na ang PWEDE NA YAN SYSTEM....di uubra dito yan...sa PILIPINAS LANG YAN PWEDE.....


Hindi Uubra....

Hindi Uubra dito yang UGALING PILIPINO....bawal ang PITO-PITO dito at bawal ang PWEDE NA SYSTEM DITO....at MABILIS ANG HUSTISYA DITO at IPINATUTUPAD KAAGAD....