Aleli at Grace, naayos na ang burol at libing ni Iggy


Plantsado na ang schedule ng burol ni Iggy Arroyo.

Biyernes ng gabi darating ang kanyang mga labi at dadalhin sa ancestral house ng mga Arroyo sa La Vista.

Sa susunod na dalawang araw naman gagawin ang burol sa tinitirhang bahay ni Aleli sa tapat lang ng ancestral house.

Sa Martes dadalhin sa Kongreso si Arroyo at sa hapon ay ililipad sa Bacolod.

Sa Biyernes ibabalik siya sa ancestral house sa La Vista at sa Sabado ay ililibing na siya sa puntod ng mga Arroyo sa North Cemetery.

Kasabay nito, dinismis na ang kaso sa korte.

"I hope this will put an end to any problem that will serve as a hindrance to a decent burial," sabi ni Atty. Leonard de Vera, abogado ni Grace Ibuna.

Masaya si Aleli sa dalawang araw na burol na pinangako niya sa kanyang anak.

"Ang gusto ko lang talaga, ang promise ko sa anak ko ay uuwi siya, so masayang-masaya siya ngayon,” sabi ni Aleli.

Pero umiwas muna siyang sumagot kung ipaglalaban niya ang kanyang mamanahin bilang lehitimong asawa.

"Sino ba ang nagbigay ng buhay natin, ‘di ba ang Diyos? Siya din ang puwede kumuha, it can be anytime. The gates to heaven are very narrow and definitely lust for money is something that will not bring us there," sabi ni Aleli.

Ililibing rin daw niya ang asawa, pero hindi malinaw kung makikisabay siya kay Ibuna.

“That’s a minor detail that can be arranged,” sabi ni Aleli.

Pinagbabayad naman ni Justice Peter Smith ng UK court si Aleli Arroyo ng 94,000 pounds na katumbas na P6 milyon para sa lahat ng legal fees kasama pa ang bayarin sa punerarya.

Pero giit ni Aleli, dahil hindi niya kinikilala ang batas ng UK sa kanyang kaso, hindi niya babayaran ang sinisingil na legal fees sa kanya ng korte sa London.

Sa ngayon naayos na ang pagbalik ng mga labi ng namayapang kongresista.

Pero pagkatapos ng kanyang libing, kailangan pag-usapan kung mananaig ang kanyang last will and testament na pumapabor kay Grace Ibuna. Niko Baua, Patrol ng Pilipino

02/22/2012 11:23 PMBookmark and Share

1 comment

Self-delusional

The gates to heaven are very narrow and definitely lust for money is something that will not bring us there," sabi ni Aleli.

So Aleli, why did you siphon millions of dollars in your conjugal account and sold all of his stocks when he was away on an official visit - and then deposited the money in your hidden account?

Why are you lusting after the money now? You say one thing and do the opposite. Whom are you fooling but yourself!
You need to see a shrink! You've just announced you are headed towards hell.

Legal