PNoy: Senator-judges, dapat makinig sa taumbayan


Makahulugan ang mensahe ni Pangulong Aquino sa pulong-bayan kasama ang mga estudyante, na nataon sa ika-26 na anibersaryo ng panawagan ng kanyang yumaong ina para sa isang civil disobedience laban sa rehimeng Marcos.

Iniugnay ito ng pangulo sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

"Ito po ang naging unang hakbang ng taumbayan tungo sa rebolusyon ng EDSA. Tila sadya tayong hinihilo o inililigaw para mawalan ng interes,” sabi ng pangulo.

“Magpapa-etsa-puwera na lang po ba si Juan at Juana de la Cruz sa prosesong ito? Hahayaan na lang po ba natin na iilan ang magdesisyon para sa atin pong lahat?"

Dapat daw makinig ang mga senator-judge sa kung ano ang gusto ng nakararami o managot sa darating na halalan.

“Eleksyon next year. Sila po kinatawan natin, e. So dapat ho susunod sila doon kung anong gusto ng mga nagpahiram sa kanila ng kapangyarihan,” ani Aquino.

Inilahad din ng pangulo kung bakit dapat daw matanggal sa puwesto si Corona.

"’Di ho ba tayong lahat ay mapapasabing: ‘Naman, maliwanag pa po sa sikat ng araw, Ginoong Corona, ang sinumpaan mong salaysay ay hindi tugma sa natuklas na pag-aari mo.’”

Kinuwestyon din ng pangulo ang pagtanggi ni Corona na ilabas ang mga dollar account umano nito.

"Kung wala kang ginawang mali, wala kang dapat itago. Kayo nga po ang tanungin ko: ganito ba umasta ang isang taong dapat walang katakutan?”

Sagot naman ng abogado ni Corona, hindi pinagtatakpan ng punong mahistrado si Ginang Arroyo. Huwag muna raw husgahan ang kanilang kliyente habang hindi pa natatapos ang proseso ng impeachment.

Ani Tranquil Salvador, abogado ni Corona, “’Yung detalye niyan, ipakikita namin 'pag kami na ang nagprisinta, and these are details of our case na ayaw naman namin talakayin dito.”

Naputol lang ang seryosong usapan nang magtanong sa pangulo ang isang law student tungkol sa kanila ni Grace Lee.

"Uunahin ko na po 'yung naipangako ko sa mga kapwa mag-aaral ko ng abogasya, kamusta na daw po kayo ni Grace Lee?” tanong ni Dino Austria, estudyante ng San Beda College Alabang.

“Napaka-related nga sa law,” pagbibiro ng pangulo. “Maayos naman.”

Apela lang ng pangulo sa publiko: huwag nang idamay ang ina ni Lee na pinupuntahan daw ng mga usisero ang grocery store nito. Willard Cheng, Patrol ng Pilipino

02/16/2012 9:55 PMBookmark and Share

5 comments

LAW STUDENT sa INIS, pinotul

LAW STUDENT sa INIS, pinotul ang talumpati ni PNOY,, Bigla tumayo tinanong about update relation nila ni Grace LEE. Sino kaya di mapundi, the student expected an INSPIRATIONAL MESSAGE from the President of the Philippines… Halat a tuloy namula pahiya c PNOY, nakahata nainis na estudyante s akanya,,, to quote his reply “”TALAGA LAW question yan tanong mo??? is this the President we have?? So unpresidentable??
Wala na ba talga naka advice kay PNOY na dapat naman ilagay sa lugar pag baikos kay Corona, wala na pinili na lugar.


PNOY why you can not wait

PNOY why you can not wait matapos impeachment process. Atat na atat kana,, why??? To ensure guilt verdict of Corona, nanigurado ka lang naman na mabayaran HACIENDA Luisita ng 10Billion.. Kawawang Juan de la Cruz
Why PALACE has to make an explantion di raw naghikayat c PNOY sa mga estudyante sumama sa street protest against Corona-SC to pressure the Seanator-Judge ensuring guilty verdict to Corona???? So simple LOGIC, marami negative reactions from various group, PALACE realized that the YELLOW ARMY, LIFTEST/COMMUNIST , PNOYtards can not gather enough people to mount people power.. Unahin pa yan ng sambayanan sa hirap ng buhay ngayon,, lahat bilihin tumaas!!. Marami na rin nagisisng katotohanan na ginamit lang ni PNOY for his FOREVER LOVE to LUISITA.
Now, we look forward this coming EDSA celebration kung marami paba sumama dyan… Makita natin mga sumama naka YELLOW-ribbon, mga NAKAPULA-with matching palakol….. God Bless our country,, save from this false prophet,, from COMMUNIST


Alam na Alam Nila Tiyak...

Sa tingin ba ay hindi nila ang gagawin nila kung kayat dapat pang ipaala-ala sa kanila. Hayaan na lnag na umusad ang kaso at hintayin na lang ang resulta. Sana naman yong ninanais ang magiging verdict dahil kung hindi tiyak na di tatanggapin. Saan kaya susuot ng mga Pinoy. Nagtiis dahil sa impeachment, magtitiis na ulet after dahil iba ang naging resulta. Kawawang Pinoy.


Nag iisip ka ba?

Kung gusto mong malinis ang pilipinas? Umpisahan mo sayo. Turuan mo sarili mong sumunod sa batas. Isama mo na ring linisin mga pulis ng Sta Rosa Laguna.


Are senators not afraid of Pinoy machinery?

It was a popular impression before that one who is in power enjoys electoral machinery. Is it still prevailing?