Kampo ni Corona nais magdemanda dahil sa bank records


Ikinagulat ng depensa ang pagkakasangkot na ito ni Quezon City Congressman Jorge Banal sa kumalat na umano'y kopya ng bank records ni Chief Justice Renato Corona.

Peke man o hindi ang mga dokumento, labag daw sa Bank Secrecy Law at sa Foreign Currency Deposit Act ang pagbitbit ni Banal sa bangko ng mga dokumento.

“Sabihin na nating nakakuha ako ng dokumento na may kaso ako, I will go to court and manifest that on this date, I got this document and for whatever it is worth, ipapasa ko sa korte,” sabi ni Atty. Rico Quicho, isa sa mga abugado ni Corona.

Hindi raw kapani-paniwala ang kuwento ni Banal na iniwan lang sa gate ng kanilang bahay ang mga dokumento.

Duda rin ang depensa sa pahayag ng prosekusyon na wala silang alam na may hawak na mahalagang impormasyon si Banal.

Pinag-aaralan na ng depensa ang pagsampa ng kasong kriminal kina Congressman Banal, Reynaldo Umali, Niel Tupas Jr. at lahat ng sangkot sa kumakalat na umano’y bank records.

Posible rin daw nilang ireklamo ang mga ito sa ethics committee ng Kamara.

“’Yung claim na iniwan sa labas ng bahay, ‘yung claim na may nagbigay sa Senado, ‘yung claim na may nagpadala sa opisina niya. Suriin natin dahil madaling gumawa ng kuwento pero mahirap patunayan,” sabi ni Quicho.

Pero hindi naman natinag ang prosekusyon. Gusto lang daw malihis ng depensa ang atensyon ng publiko.

“Pag-aralin na lang nila ‘yung depensa nila. Mahirap ipaliwanag ang iba’t-ibang undeclared properties. Congressman Banal can take care of himself,” sabi ni Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosekusyon.

Ipinagtanggol din ng Palasyo si Banal.

Wala raw mali sa kanyang paghingi ng tulong sa PSBank.

Pinatunayan nga raw ni Banal na nagtutulungan ang buong prosekusyon sa pagpursigi sa kaso. Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino

02/17/2012 11:11 PMBookmark and Share

6 comments

Ang DAPAT,Kampon ng mga Filipino na Makabayan magde-

DEMANDA laban kay Corona dahil sa nakaw na yaman! Para lang ito sa sisiw na peso account. Magkano kaya ang ayaw pabuksan na $$$$Dollar Milyones. Mahiya kayo kampo ni COrona!


Ang DAPAT,Kampon ng mga Filipino na Makabayan magde-

DEMANDA laban kay Corona dahil sa nakaw na yaman! Para lang ito sa sisiw na peso account. Magkano kaya ang ayaw pabuksan na $$$$Dollar Milyones. Mahiya kayo kampo ni COrona!


LAST PLAN OF CJ CORONA

SC CLERK OF COURT VIDAL IS A BIG LIAR. SHE PRESENTED A FAKE SALN OF CJ CORONA TO THE IMPEACHMENT COURT. THE IMPEACHMENT COURT SO FAR NEVER ASK CJ CORANA IF THAT IS HIS AUTHENTIC SALN. THE REAL SALN OF CJ CORONA WILL BE EXPOUNDED BY THE DEFENSE PANEL IN THEIR TIME.

NOTE: THE STATEMENT BELOW IS COPY FROM GMA NEWS
More senators began to insist that she turn over the document after she admitted that she actually brought the SALNs to the Senate, even without permission from the SC.
KIMBERLY JANE TAN, GMA News January 18, 2012 4:07pm

Zeta


basa guidote enterprise

hindi ako maniwala na ang perang dineposito tapos sinara sa araw na mismong naimpeach si corona ay galing sa basa guidote enterprise. hearsay lamang yon at walang ebedinsya ang defense na ang perang iyon ay talagang galing sa basa guidote enterprise. show us the paper trail.


Mga defense di ba magnanakaw pa rin maski sa Basa ang pera

Nang nagkakabukingan na. Sa Basa Guidote daw yong pera. Kung sa Basa Guidote man ang pera, mga defense lawyer, betrayal of public trust yan dahil lumalabas na mangangamkam ng pera ng kompanya si CJ na pag aari di lang ng asawa nya kung di pati ng ibang pang stock holder na kamag anak nila. Magnanakaw pa rin ang kaso di ba?


PGMA behind the scenes..

KAya ganyan umasta si Atty Quicho sa labang ito dahil sa suporta ni PGMA kay CJ Corona..Atty Quicho & Cong. Datu Arryo were classmates in Ateneo & they are so closed friends up to the point na Cong Datu Arroyo will always visits Atty Quicho sa bayan niya sa Bataan..All the people in Bataan knows about it..Kaya di nakapagtataka na PGMA still supporting CJ Corona.