Lipa archbishop, iginiit na dapat itigil ang impeachment trial


Iginiit ngayon ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles na dapat nang itigil ang impeachment trial. Pero para sa ilang kongresista at gubernador, dapat ituloy ang paglilitis at hayaang lumabas ang katotohanan. Nagpa-Patrol, Carolyn Bonquin. TV Patrol, Pebrero 18, 2012, Sabado.

02/18/2012 8:18 PMBookmark and Share

28 comments

Diba ang diyos ang liwanag Arcbishop. Bakit ayaw arawan at

ipaliwanag at ilabas ang mga $$$dollar account. Maliwanag para hindi malabo diba arcbishop?


Diba ang diyos ang liwanag Arcbishop. Bakit ayaw arawan at

ipaliwanag at ilabas ang mga $$$dollar account. Maliwanag para hindi malabo diba arcbishop?


Tama itigil ang impeachment trial dapat masampahan na si

COrona ng ill gotten wealth kasama ang lahat ng may kagagawan nito. Sa mga naglabasan ebidensya dapat nga na sampahan na si Corona ng pagnanakaw. Dahil kung wala kang multi millyones na kita paano ka magkakaroon ng multi millyones na ari arian? Ambon ng lagit? arcbishop ayaw ng diyos sa magnanakaw mortal sin yan diba?


Tama itigil ang impeachment trial dapat masampahan na si

COrona ng ill gotten wealth kasama ang lahat ng may kagagawan nito. Sa mga naglabasan ebidensya dapat nga na sampahan na si Corona ng pagnanakaw. Dahil kung wala kang multi millyones na kita paano ka magkakaroon ng multi millyones na ari arian? Ambon ng lagit? arcbishop ayaw ng diyos sa magnanakaw mortal sin yan diba?


LIPA ARCHBISHOP

Sorry po di kami sang ayon sa sinasabi nyo. Mukhang malaki ang naiabuloy sa inyo ni Thief Justice Corona.
Obvious po di ba? Lalong sumasama ang paningin ng mamamayan sa mga pari.


With due respect to the

With due respect to the Archbishop, he should first look at the church backyard and conduct his own "impeachment trial" on priests who committed abuses.


Arguelles for Chief Justice or for President, anyone?

Naniniwala ako na ang mga pari at obispo ay dapat may puwang sa bulong-pulungan sa lipunan kung sila'y naninindigan para sa katotohanan, katarungan at katuwiran. Malaki ang papel na pwede nilang gampanan para sa ikabubuti ng bayan. Pero kung wala sa alin man sa ito ang layunin ni Arguelles kung hindi para lamang mag-astang parokya o diocese niya ang senado para ipagtanggol ang isang katulad ni Corona, aba ay payag na ako na limitahan ang pag-sesermon niya sa loob ng simbahan. Doon kasi walang objection -- Amen lang ang pwe-pwede. Kung gusto ni Arguelles makisawsaw sa ganitong paraan, di tumakbo siya sa susunod na halalan o magpa-appoint na midnight Chief Justice. Sigurado ako, pwedeng-pwede baluktutin uli ang Konstitusyon kung nanaisin. Marahil hindi rin saklaw ng ban on midnight appointments ang isang politikong naka-sotana.

Arnellus

Lipa archbishop, iginiit na dapat itigil ang impeachment trial

Dapat itigil dahil tagilid na si Corona? Itong si Arguelles, del Pueblos, Rosales ay mga alipores ni GMA, nakatangap ng mga benepisyo kung di man diretso sa kanila ay sa kanilang mga kaanak. Ganito din ang kanilang ginawa nung 2005 ng maipit si GMA. Sinagip nuon si GMA ngayon naman si Corona. Wala silang pakialam kung magkawindang windang ang bayan dahil sa corruption basta manok nila ang nasa poder. akakahiyang maging katoliko kung ang mga pinuno ay ganito, malinaw na may kinikilingan. Ang Diyos ang tanging nakakaalam ng laman ng kanilang mga puso at Siya din ang maguhusga sa kanila.


PNOY YOUR THE MAN!

PNOY, salamat dahil sa wakas nagkaroon kami ng presidente na may takot sa Diyos pero galit sa mga mandarambong kagaya ni GMA at ni CORONA...Sa huli magbabayad ang mga taong ito na mga nagtaksil at nagpakasasa sa kaban yaman ng taong bayan.

Sa mga taong nainggit sana ay maputulan sila ng litid dahil sobrang galit nila at makikita sa sulat nila puro capital letters.

MABUHAY KA PNOY! Your the Man! Ikaw Na!

God bless You!


Kapag may nangungurakot,

Kapag may nangungurakot, galit na galit ang mga tao at pilit na pinapababa sa pwesto ang nangungurakot. ngayon namang gumagawa ng paraan ang gobyerno para patunayan na nangungurakot ang isang opisyal, pinapatigil naman! hindi na maintindihan kung anong gusto!

Mga kababayan! Gumising po tayo sa pagkakahimbing! Upang masolusyunan ang isang problema, kelangang kumilos! at ang paglilitis na ito ay isa lamang sa mga solusyon para matumbok ang ugat ng talamak na kurapsyon sa pilipinas! kung ipapatigil pa ito, hahayaan lamang natin na kumalat ang problemang ito na unti-unting sisira sa ating bayan!