P1.3-M pampasuweldo, tinangay ng mga holdaper
Tinangay ng mga holdaper ang pampasuweldo sana ng Jobs on Link recruitment agency sa Arayat, Cubao.
Pinasok ng mga holdaper ang agency kaninang 7 a.m.
Tumagal lamang ng 10 minuto ang panloloob.
Ang hinala ng mga empleyado at mga pulis, inside job ang nangyari. Inilabas na kanina ang artist sketch ng isa sa mga suspek, at tuloy ang manhunt ng pulisya sa mga holdaper. Noli de Castro, Patrol ng Pilipino
09/30/2011 11:20 PM







