Jeremy Lin, sasabak sa All-Star Weekend


Magpapakitang-gilas ang mga pinakamagagaling na rookies at sophomores ng NBA sa Sabado.

At siyempre pa kasama dito ang pinakabagong international Asian-American sensation na si Jeremy Lin ng New York Knicks.

Sa gitna ng tinatamasang biglaang kasikatan, nananawagan si Lin sa media na igalang ang privacy ng kanyang pamilya.

“I love my family, I love my relatives,” ani Lin. “One special request I have is for the media back in Taiwan to kind of give them their space ‘cause they can't even go to work without being bombarded with people following them.”

Ang NBA Legends na sina Shaquille O'Neal at Charles Barkley ang magiging coach ng dalawang koponan.

At sa Linggo magpapasiklaban naman ang mga magagaling sa NBA sa Skills Challenge, Three-Point Shootout at Slam Dunk Competition.

Noong isang taon gumawa ng kasaysayan si Blake Griffin ng Los Angeles Clippers nang talunin ang isang kotse para sa dunk.

Sa Lunes naman ng umaga gaganapin ang 61st All Star Game kung saan tampok bilang starting five ng East All-Stars sina Dwight Howard ng Orlando, Carmelo Anthony ng New York, Derrick Rose ng Chicago, at Dwayne Wade at Lebron James ng Miami.

Sa West naman nabotong starters sina Chris Paul at Blake Griffin ng L.A. Clippers, Kobe Bryant at Andrew Bynum ng L.A. Lakers, at Kevin Durant ng Oklahoma.

Mapapanood nang live at exclusive ang mga kaganapan ng NBA All Star Weekend hatid lamang ng ABS-CBN Sports at Studio 23. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino

02/21/2012 11:05 PMBookmark and Share