Roach pinabulaanan ang Manny-Jinkee 'divorce'

Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Maayos ang training camp ni Manny Pacquiao sa Los Angeles. Naka-focus si Manny sa paghahanda para kay Timothy Bradley.

Araw-araw, mas lumalakas at bumibilis sa ring. Masayang-masaya si Coach Freddie Roach sa pinapakita ni Pacman.

Itinanggi niya ang ini-report ng LA Times na sinabi niyang distracted umano si Pacman noong huling laban kay Marquez dahil nag-serve ng divorce papers si Jinkee sa bisperas ng laban.

“I never said that in my life, but someone wrote it and someone lied. I said I knew him and his wife weren't getting along before the fight but I never said that. The thing is we did have a bad week before the last fight and everything kind of fell apart and a lot of distractions and he's got rid of all those distractions and now everything is smooth,” sabi ni Freddie Roach.

Going strong sina Manny at Jinkee lalo na't pareho silang mas malapit sa Diyos at sabay nag-aaral ng Bibliya. Ayon pa kay Roach, gustung-gusto niya ang nakikita kay Manny ngayon. Todo-bigay sa practice at masaya.

“He's doing great. I think the new lifestyle suits him well. I can't say nothing but positive feedback and in the gym he's great,” ani Roach.

Binati naman ni Manny si Mommy Dionisia sa pagdiriwang ng kanyang 63rd birthday ngayon sa GenSan.

“Ma, happy birthday, I wish you all the best and more birthdays to come. Doon kami sa likod mo lagi nagpe-pray,” sabi ni Pacman.

Sa GenSan magdadasal at magtsi-cheer si Mommy D para sa anak sa laban kay Bradley. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

05/15/2012 11:27 PM